Tuesday, June 21, 2011

Pharma Tips: The Benefits of Cranberry Juice

Ehem,ehem! Ito marahil ang pinaka-unang entry ko na naaayon sa aking propesyon bilang isang Parmasyutiko. Since napapadalas ang pagbili ko at lumalala ang pagka-adik ko sa fruit juices, naisipan kong gumawa ng blog entry tungkol dito. 

While on work, hindi na bago ang mga taong walang pakundangan kung bumili ng Antibiotics. Merong gagamit sa ubo, sa sugat, UTI at ang pinakamalala marahil ay ang nagsabing VITAMINS nya ang amoxicillin. Lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi nirerekomenda ang madalas na paggamit ng mga gamot na ito since there is a possibility of developing resistance. This is worsened by our improper use of these drugs through self-medication. Dahil dito, tumataas ang bilang ng mga Bacteria na hindi na tinatablan ng Antibiotics o ang tinatawag na SUPERBUG. Dahil dito, naki-isa kami sa malawakang kampanya sa wastong paggamit nito sa pamamagitan ng pangunguna sa pagbibigay alam sa publiko hinggil sa importansya ng Antibiotic Compliance. Kasabay nito ang pagbibigay ng mga alternatibong pamamaraan to treat certain diseases which does not require antibacterial drugs at all dahil hindi naman sila bacterial infection.

As Filipinos, the use of plants or herbal alternatives are very common. Isa marahil sa pinakasikat na alternative mula sa bansang banyaga ang paggamit ng Juice mula sa Cranberry bilang panlaban sa infection lalo na sa urinary tract.

Cranberries are fruits of a plant native to North America. It is scientifically known as Vaccinium macrocarpon and belongs to family Ericaceae. Ito ay mayaman pagdating sa chemical composition. They are formed chemically of triterpinoids, a range of acids ( tulad ng benzoic acid, citric acid, malic acid, quinic acid, ascorbic acid at glucuornic acid), as well as alkaloids and anthocyanin dyes. Ito  ay nagporpoduce ng hippuric acid which makes the urine acidic and prevents bacteria from sticking to the walls of the bladder. Recently, napag-alamang ito ay nagtataglay ng isang Tannin na kung tawagin ay proanthocyanidin na pumipigil sa pagdami ng mga bacteria na siyang sanhi ng Urinary Tract Infection.  
ang ilan pa sa mga pinaniniwalaang benepisyo mula dito ay ang mga sumusunod:
  • Cardiovascular: ang cranberry ay isang malakas na anti-oxidant na pumipigil sa mapanirang epekto ng mga free radicals. Pinapataas din nito ang level ng good cholesterol habang pinapababa naman ang bad cholesterol na dahil sa taglay nitong polyphenols.
  • Cancer: dahil pa rin sa proanthocyanidins, pinaniniwalaang pinipigilan nito ang pagdami ng cancer cells gaya ng sa breast cancer, at ang paglaki ng mga tumor.
  • Colds and sore throat: dahil nga sa acidic na nature nito, pinipigilan nito ang infection at pinapalakas sa pamamagitan ng vitamin C ang resistensya ng tao.
  • Ulcer: ang regular na intake ng juice may prevent Helicobacter pylori, the causative agent of some stomach ulcers sa pamamagitan ng pagsira dito.
  • Obesity: ang juice na ito ay sagana sa mga organic acids na may emulsifying effect sa mga fat deposits ng ating body .
Bukod sa mga benepisyong ito, natural na masarap ang cranberry juice kaya naman ako ay napabili ng marami at nakaugalian kong uminom nito ng madalas:)

abangan ang susunod na mga pharma tips:)

2 comments:

  1. Wow!!! hihi!!! Yung propresyon ko parang ang hirap magbigay ng tip! hihi!

    ReplyDelete